Ang aga kong pumasok tae langs. Mukang ewan ako dun tapos napagkamalan pa akong first year nung magandang chix. Hihihi. Makikita ko ulit yun kaso parang nakalimutan ko na itsura. Tapos tapos tapos… Hahaha. Tae nag-flag ceremony tapos nakahanay kami nung kaklase ko sa mga first year eh third year na kami. Tapos nakakatuwa yung mga first year. Pagtapos nun may ginawa sila eh. Nag-groupings hahaha.
Ito na ata ang pinaka-maayos naming picture sa corridor habang nagaantay ng schedule namin.

Dito naman sa picture na ‘to kitang-kita at hindi na maikakaila ang pangaalipusta sa’ken ng kaklase ko. Hahaha. Charot! Ewan ko ba kung bakit ganyan yang si Maan lagi akong inaaway. Hahaha. Hinde! Mahal na mahal ko yan. Ewan kung mahal ako niyan. Muka ba kong mahal niyan? Huli naman sa camera. Lakas maka-Claudine Barreto nito eh.

Nung nakuha na namin schedule namin medyo nagkakagulo pa kami kung saang room ba talaga kami. Paano ba naman nagbakasyon lang eh nakalimutan na kung saang room yung ganito ganyan. Mga ewan talaga mga kaklase ko eh. Jusmiyo! Kami ata pinaka-maingay eh. Parang may nagrarambulan sa room namin. Kulang pa yun ha tapos ganun na kaingay. Feeling ko nga basag na eardrums nung mga bago naming kaklase eh. Maayos schedule namin sana di na mabago.
Yung General Psychology namin nagklase agad huhu di man lang nag-introduce one by one. Hahaha. Parang persyir eh. De kase di pa namin kilala yung mga bago. Pagtapos ng klase naglaro ng volleyball mga kaklase ko. Ayun! Boom na boom ang 100pesos. Talo. Hahaha. :D Sobrang tagal naming inantay tapos talo naman.
Mga 5 na kami nagpunta ng bayan. Fiesta dun eh. Hindi naman kami naki-fiesta kumaen kami dun sa may plaza. Samu’t sari ang mabibili eh.

Pagkatapos nun nagpunta namin kami dun sa caterpillar na ride. Libre kami nung kaibigan namin. Anim lang naman kami at sobrang lakas lang talaga ng trip namin. Dahil nagsolo-solo pa kami sa upuan at talagang naghiwa-hiwalay pa. Yung isa naming kasama hindi pa nagsisimula eh natili na. Lalo na nung nag-umpisa na tapos bumilis na yung takbo. Sigaw ng sigaw tapos ako naman napuno ko ng tawa yung ride na yun. Mula simula hanggang matapos tawa lang ako ng tawa dahil dun sa isa kong kaibigan kasi feeling daw niya tatalsik siya sa sobrang bilis ng takbo. Halos manigas na nga eh tapos kitang-kita ko pa yung reaction niya. Hahaha :D Basta ang saya-saya ng first day ko.